NAGA CITY – DEAD ON THE SPOT ang isang babae matapos pagbabarilin sa Brgy. Sta. Catalina Norte, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Analyn Comple Sarmiento, 42 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na habang sakay ng motorsiklo pauwi sa kanilang bahay si Sarmiento ng bigla na lamang dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, matapos ang naturang krimen, agad na tumakas sa hindi malamang direksyon ang hindi pa nakikilalang suspek dala ang ginamit na baril.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente, narekober dito ang walong fired cartridge cases ng kalibre 45 na baril.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaarestar ng suspek.