NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos saksakin ng live in partner nito kasabay mismo ng kapistahan sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang biktima na si Arlyn Bornasal, 30-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCol. Felix Serbita Jr. City Director ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong nahuli na nila ang suspek na si Jonathan Buenaflor, 28-anyos.

Desidido naman anya na magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa suspek.

Una rito, nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihin si Bornasal at ang live-in partner na si Buenaflor.

Kaugnay nito, sinaksak umano ng suspek ang biktima na tinamaan sa leeg na naging daan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa kabila nito, nilinaw ni Serbita na walang koneksyon sa Penafrancia Festival ang krimen.