NAGA CITY- Sinaksak habang kumakain sa karinderya ang isang babae sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Beth, 59-anyos, at tubong residente ng Brgy. Malabanban Norte Candelaria, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakaupo at kumakain ang biktima noong Setyembre 25, 2024 alas-2:50 ng hapon, nang dumating ang suspek na nasa impluwensya ng alak na kinilala rin si alyas boy, 58-anyos, at residente rin ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagkaroon ng komprontahan sa pagitan ni alyas Beth kaya naman agad kumuha ng kutsilyo ang suspek at pagbalik sinaksak ang kamay ng biktima.

Samantala, haharap naman sa kasong Frustrated Homicide ang suspek.