NAGA CITY – Sugatan ang isang babae matapos na pagsasaksakin ng sariling asawa sa Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Marilyn Alcantara, 47-anyos, residente ng San Rafael, Cararayan sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na habang nasa birthday party ng apo nito si Marilyn sa bahay ng anak nito nang pumasok ang suspek at asawa nito na si Alfredo Alcantra, 47-anyos sa likurang bahagi ng nasabing bahay at bigla na lamang pinagsasaksak ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad,napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan
ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asisntensya medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.