NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos na saksakin nang sariling kapatid sa Barangay Caranan, Pasacao, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Margie Candia, 42-anyos, residente ng nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang suspek na kinilalang si Joselito Candia at kinompronta ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nagkaroon nang mainit na pagtatalo ang magkapatid na naging dahilan para saksakin ni Joselito si Margie sa likurang bahagi ng katawan.
Agad namang isinugod sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Orcine para sa karampatang kaparusahan.