NAGA CITY- Patay ang isang indibidwal matapos na pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Julieta Malaluan, 56-anyos, residente ng Sitio Marichi, Barangay Janagdong 2 sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglilinis si Malaluan sa bisinidad ng kanilang bahay nang pinagbabaril ang biktima ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek na agad naman na nakatakas matapos ang nasabing krimen.