Photo © web

Patay ang isang backrider matapos maaksidente sa kalsada sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Dreo, 43 taong gulang at residente ng Brgy Rizal Ibaba, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na personal na nagtungo ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Alias Mark, 29 taon gulang at residente ng nasabing barangay, kasama ang kapatid ng biktima na kinilalang si Dennis, upang iulat ang nabanggit na insidente.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na, habang binabagtas ng nasabing sasakyan ang Maharlika Highway ng Brgy Sta Milagrosa nang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa stagnant water/putik sa kanyang lane at biglang nahulog sa semento.

Advertisement

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa ulo ang back ride/biktima at isinugod sa Calauag Infirmary (Hospital) para magamot at kalaunan ay inilipat sa Bicol Medical Center, Naga City, Camarines Sur.

Ngunit makalipas ang ilang araw at sa kasamaang palad ay binawian rin ng buhay ang nasabing biktima.

Advertisement