NAGA CITY- Pormal nang umupo sa Division Commander ng 9th Infantry Division, Philippine Army na si BGen Henry Robinson bilang kapalit ng nagretiro na si MGen. Fernando Trinidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. John Paul Belleza, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 9ID, sinabi nito na epektibo ngayong araw ang retirement ni Trinidad.

Ang nasabing change of command ay ginawa noong Mayo 27 na dinaluhan mismo ng Commanding General ng Philippine Army na si LtGen. Gilbert Gapay.

Samantala, ayon kay Belleza, nagpaabot narin ng pasasalamat si Trinidad sa Bicol at sa mga tropa ng 9ID sa suporta na ibinigay sakanya.

Habang siniguro naman ni Robinson na ipagpapatuloy nito ang nasimulan ni Trinidad at kung kakayanin ay susubukan rin umano nitong mas mahigitan pa ang nagawa ng nasabing outgoing commander.