NAGA CITY- Isang sanggol ang natagpuang patay sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Minalabac Mayor Christopher Lizardo, sinabi nito na habang ito ay nagpapahinga sa kanyang opisina noong Huwebes, Nobyembre 7, 2024, isang barangay officials ng isang barangay sa nasabing bayan ang tumawag at nagpadala ng larawan ng isang bata na nakabalot sa plastic at naihatid ito sa munisipyo sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay at gayundin ibinalik sa PNP.
Dagdag pa ng opisyal, nang dinala ang sanggol sa RHU, napag-alamang patay na ito sa loob ng matris.
Ayon sa doktor ng nasabing RHU, violet ang kulay nito at base sa kondisyon ng bata, sa pamamagitan ng paggamot ay tila napilitan itong palabasin.
Binigyang-diin ni Lizardo na sa opisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga karatig barangay, nagsagawa rin sila ng contact tracing sa mga nanganak noong Oktubre at Nobyembre, ngunit negatibo rin ito sa mga may profile ng panganganak sa nasabing buwan, kaya napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na nanggaling sila sa malalayo o karatig na komunidad.