NAGA CITY – Nasa ligtas na kalagayan ang isang bagong silang na babaeng sanggol matapos matagpuan sa isang mangrove area sa Brgy. Bonot, Calabangga, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Elmer Tanael, sinabi nitong ayon sa mga doctor na gumamot sa sanggol posibleng 24-oras na umano itong nananatili sa nasabing lugar.

Nabatid na may mga langgam na umano ang katawan ng bata habang inuuod na rin ang inunan nito.

Dagdag pa ni Tanael, posible rin umanong doon na sa mangrove area nanganak ang nanay ng sanggol at basta na lamang iniwan ang biktima.

Samantala ayon naman kay Janeth Benitez, ang babaeng nakakuha sa sanggol, nakita umano ito ng mga nangunguha ng ibon sa lugar at agad na ipinaalam sa kanila.

Nang makita ang kalagayan ng sanggol agad itong dinala ni Benitez sa Municipal Health Office para maipagamot.

Sa ngayon inobserbahan pa ang kalagan nito dahil sa mga tinamong gasgas at sugat sa katawan.

Samantala, blangko pa ang mga opisyal kung sino ang nag-iwan sa sanggol sa naturang lugar.Top