Nananatiling taglay ng Bagyong Josie ang lakas nito matapos makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa pinakahuling ulat ng state weather bureau.

Huling namataan ang Tropical Storm Josie sa layong 1,085 kilometro silangan ng Eastern Visayas. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 80 km/h.

Dahil sa pinalalakas na Habagat, inaasahang makararanas ng pag-ulan ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.

Samantala, posible ring makaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng mga localized thunderstorm na maaaring magdulot ng biglaang malakas na ulan, pagkidlat, at pagkulog.

Advertisement

Nagbabala ang state weather bureau sa publiko na mag-ingat sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng matinding pag-ulan.

Advertisement