Lumakas pa ang Bagyong Julian habang tinutumbok nito ang Batanes at Babuyan Islands
Sa huling pagtaya, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kilometro timog silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 185 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa ngayon, nakataas na ang Signal No. 4 sa Batanes at hilagang silangang bahagi ng Babuyan Islands.
Signal No. 3 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands habang Signal No. 2 sa Mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Samantala, nasa Signal No. 1 ang Ilocos Sur, La Union, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at northern and central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis)