Bahay ng incumbent Brgy Official, pinasok ng magnanakaw; opisyal patay sa saksak

NAGA CITY- Patay ang isang Incumbent Barangay Kagawad sa pananaksak matapos pasukin ng umano’y magnanakaw ang bahay sa San Sebastian, Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Harriet Serra, 60-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Julius Prima, hepe ng Lagonoy-PNP, sinabi nitong, pinaniniwalaang sinubukang pagnakawan ng suspek na si Ronel Gojo Cruz, 27-anyos ang bahay ng biktima ngunian nagising si Serra at sumigaw para makahingi ng tulong.

Doon na inundayan ng saksak ng suspek kung saan tinamaan ito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nabatid na lango sa alak ang suspek nang mangyari ang krimen.

Sa ngayon, nasampahan na ng kasong Murder ang nasabing suspek.