NAGA CITY- Ginalugad ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa tinaguriang Tarusanan Massacre sa Milaor, Camarines Sur.
Mababatid na anim na araw nang tinutugis ang suspek na si Arthur De Leon kaugnay nang pagpatay sa limang magkakamag-anak kasama ang tatlong menor de edad.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Barangay Kagawad Cris Libranda, sinabi nito na naganap ang pagsilbi ng search warrant sa bahay ng suspek kaninang alas-12 ng madaling araw kung saan naabutan ng mga awtoridad ang ina ng suspek.
Kung saan, nakuha sa mismong kwarto ng suspek ang dalawang 45 kalibre ng baril, isang granada, isang air gun at ang mga bala umano ng SAP 45.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung saan kinuha ng suspek ang nasabing mga armas.
Samantala, nanatiling nakaalerto ang mga awtoridad at umaasang madadakip na si Arthur na ngayo’y pumupukaw sa takot ng mga residentes sa bayan.
Mababatid na aabot na sa mahigit kalahating milyon ang patong sa ulo ng salarin para sa agarang nitong pagkakadakip.