Tuluyang naabo ang isang bahay sa Sitio Pinagpala, Brgy. Balogo sa Pasacao matapos sumiklab ang sunog bandang alas-2:45 ng hapon nitong Abril 3.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ginagamit umano bilang pagawaan ng tinapa ang nasunog na bahay. Patuloy pa nilang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Agad namang rumesponde ang mga residente sa lugar at nagtulong-tulong sa pamamagitan ng bucket relay upang mapigilan ang pagkalat ng apoy.

Sa kabila ng insidente, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.

Advertisement

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na mag-ingat at tiyakin ang kaligtasan, lalo na sa mga lugar na may mga gawaing maaaring magdulot ng sunog.

Advertisement