NAGA CITY- Hati ang opinyon ng mga magulang at mga guro sa posibleng pag bubukas ng klase sa Japan ngayong unang lingo ng Abril.
Ito ay dahil nababahala parin ang mga guro sa posibleng dalang kapahamakan nito sa mga estudyante ngayong hindi parin lubos na nawawala ang
pandemic na Coronavirus Desease.
Sa report ni Bombo International Correspondent Musashi Ogasawara, sinabi nito na sa ngayon tinatayang 70% sa mga mamayan sa Japan ang normal
paring lumalabas at malayang nakakapunta kahit saan.
Ayon kay Ogasawara, sa kabila ng pagkabahala ng mga guro wala rin umanong magagawa ang mga ito kung hindi panatilihin nalamang na malinis
ang mga silid aralan at ihanda sakali man na matuloy ang nasabing balik eskwela.
Ayon pa dito, nirerespeto umano ng mga guro ang desisyon ng mga magulang kung sakali mang comportable na ang mga itong muling ipasok sa
paaralan ang kanilang mga anak sa kabila ng hindi pag baba ng bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa ngayon hinihintay nalamang ng mga ito ang desisyon at anunsyo ng Ministry of Education para sa pinal na desisyon.