NAGA CITY – Wala ng buhay ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Brgy. San Isidro, Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na napansin ni Flordelisa Mendoza Hernandez ang bangkay ng isang lalaki na may suot na black boxer short, tinatayang nasa 30 hangang 40 anyos at tinatayang nasa 5″4 ang taas sa madamong lugar sa Sitio Siitan sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ang hindi pa nakikilalang biktima ng gunshot wounds sa kanyang katawan at ulo.

Samantala, napansin rin ang marka sa kamay nito na nagpapakita ng palantandaan na ginapos ang pa ang biktima.

Maliban dito, nakuha rin sa crime scene ang isang puting kable na pinaniniwalaang ginamit na panggapos sa biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.