NAGA CITY- Wala ng buhay nang matagpuan ang hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Katangtang, Calauag, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napag-alaman na natagpuan ang katawan ng lalaki sa madamong bahagi ng nasabing barangay na may tama ng bala.

Ang nasabing biktima naka suot ng long sleeves na kulay berde, short at may taas na 5’5 .

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, bago ito nadiskobre, isang residente umano ang naka rinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Sa ngayon, blangko pa ang mga otoridad sa pamamaslang sa biktima.