NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nagpapalutang-lutang sa baybaying sakop ng Purok 7, Barangay Gumaus, Paracale, Camarines Norte.
Nabatid na tinatayang nasa 60-anyos ang nasabing biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad sina alyas Reden at alyas Michael, dito na ng mga ito nakita ang katawan ng biktima na palutang-lutang at wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaan na nalunod ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pang tinutukoy ang pagkakakilalan ng nasabing biktima.