NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang lola habang nagpapalutang-lutang sa isang ilog sa Sitio Minaogan, Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Eulenia Pandapatan alyas Yagang, 70-anyos, residente ng Bagong Lipunan, Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office nabatid na isang nagpakilalang Noel ang nakakita sa katawan ng biktima sa nasabing ilog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na huling nakita ang biktima na naglalakad sa konkretong tulay kung saan pinaniniwalaang nahulog ang biktima at naging dahilan nang pagkakalunod nito.

Samantala, wala naman nakikitang foul play ang mga awtoridad sa insidente.