Naglabas ng fatwa ang Bangsamoro Darul Ifta (BDI) na nagbabawal sa sapilitang pagpapakasal ng rape survivor sa kanyang nang-abuso, isang hakbang na itinuturing na mahalaga para sa pagpapalakas ng karapatan ng kababaihan sa ilalim ng Islamic law.

“It is not permissible in Islamic Shari’ah to compel a woman to marry the man who assaulted and raped her,” ayon sa Fatwa No. 5, Series of 2026 na inilabas noong Pebrero 26. Binigyang-diin din sa desisyon na “consent is a fundamental requirement for a valid marriage in Islam and cannot be replaced or presumed in situations involving coercion or violence.”

Malugod itong tinanggap ng Bangsamoro Women Commission (BWC), na tinawag itong isang makasaysayang hakbang para sa dignidad ng mga biktima ng gender-based violence.

“The BWC extends its deepest gratitude and heartfelt appreciation to the BDI for issuing a historic fatwa affirming that no woman can be forced to marry her rapist,” ayon sa komisyon.

Advertisement

Iginiit din ng fatwa na ang rape ay isang mabigat na krimen sa ilalim ng Islamic law at ang mga biktima ay dapat protektahan at suportahan, hindi sisihin. “Rape has established rulings in Islamic Shari’ah… It is one of the most heinous and dangerous crimes. Islamic Shari’ah came to protect honor, safeguard sanctity, and impose strict punishment on anyone who violates it in any form,” dagdag pa.

Bagama’t maaaring obligahin ang salarin na magbigay ng pinansyal na kompensasyon sa biktima, nilinaw na hindi ito nangangahulugan ng obligasyon na magpakasal ang babae sa kanya. “However, this does not create any obligation for the survivor to marry the offender. Marriage is only valid when there is explicit and full consent of the woman,” ayon sa fatwa.

Hinikayat din ang mga biktima na lumapit sa mga barangay Violence Against Women and Children desks, Women and Children Protection Desks ng pulisya, at mga tanggapan ng social welfare para sa legal at psychosocial na tulong.

Advertisement