NAGA CITY- Patay ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang isang magsasaka matapos na mawalan ng kontrol sa pinagmanehong motorsiklo at bumangga sa isang konkretong parapet sa Brgy Canculajao, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Alyas Zaldy, 37-anyos, driver ng motorsiklo habang ang sugatan na backrider nito na si alyas Harvey, 21-anyos, parehong residente ng Brgy Navitas, Catanauan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na pinagmamaneho ni Zaldy ang pakurbang bahagi ng nasabing kalsada ng mawalan ito ng kontrol dahilan upang bumangga ito sa konkretong parapet.

Dahil sa nasabing pangyayari nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang mga biktima na nagin dahilan naman ng agarang kamatayan ni Zaldy habang kaagad naman na itinakbo sa ospital si Harvey para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, paalala na lamang ng mga otoridad sa lahat na mga motorista na palaging mag-ingat at tiyakin na nasa mabuting kalagayan ang ginagamit na sasakyan bago bumayihe.