NAGA CITY- Nagpositibo sa Coronavirus disease ang isang barangay kapitan mula sa lungsod ng Naga pati narin ang dalawa pang frontliners.
Una ng nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng new confirmed cases sa Covid-19 sa huling datos ang Department of Health Center for Health Development – Bicol mula sa 40 new confirmed cases sa Bicol Region.
Resulta upang umakyat na sa 749 ang kabuuang bilang ng confirmed cases habang 431 naman ang active cases sa rehiyon.
Sa opsiyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, napag-alaman na kinilala si Bicol#710 na si Kapitan Jose “Bong’ Peñas III, 57-anyos lalaki, isang barangay kapitan sa Brgy. Del Rosario, Naga City.
Nabatid na una na itong nagkaroon ng exposure kay Bicol#493 kung saan una itong nakaranas ng mga sintomas noong Agosto 6, 2020.
Samantala kasabay nito ang pagpositibo naman ng dalawa pang nurse sa nasabing lungsod na kinilalang sina Bicol#737 at si Bicol#738.
Sa ngayon agad naman ng isinailalim sa lockdown ang ilang mga lugar na posibleng nagkaroon ng exposure sa naturang opisyal pati narin sa iba pang pasyente.