NAGA CITY- Patay ang isang tanod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Randy Bastida Tapero, 47-anyos, residente ng Brgy. Pahinga Norte, sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay ng tricycle papuntang Pag-asa Street pauwi sa kanilang bahay ang biktima ng bigla nalang nagpakita ang dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki at pinababaril ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng mga tama ng baril si Tapero sa iba’t ibang parte ng katawan na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Napag-aaman pa na narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na fired cartridge case para sa 45 baril at isang deformed slug.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nasabing krimen.