NAGA CITY- Umabot na sa 11 na bayan sa probinsya ng Camarines Sur ang tinamaan ng African swine fever (ASF).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Francis Brazal, Municipal Agriculture Officer, ng Libmanan Camarines Sur sinabi nito na dalawang barangay sa bayan ng Libmanan ang nagpositibo sa naturang sakit.
Ayon kay Brazal tinatayang aabot sa mahigit 3,000 na mga baboy ang muling naapektuhan ng ASF.
Ngunit nakakalungkot lamang umano dahil isang commercial farm ng mga baboy ang isa sa tinamaan nito.
Agad namang nagsagawa ng culling operation ang lokal na gobyerno ng nasabing lugar upang maiwasan na kumalat sa iba pang mga barangay ang naturang sakit.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang pag dipopulate ng nasabing mga baboy dahil narin sa laki ng bilang ng mga tinamaan nito.