NAGA CITY- Itinaas ang alert level ng Municipal Emergency Operations Center ng Labo, Camarines Norte kaugnay ng sama ng panahon na dala ni bagyong Ofel.
Sa binabang memorandum ng lokal na pamahalaan ng Labo, inaatasan ang lahat ng ahensiya at tanggapan na makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction (MDRRMO) para sa mga paghahanda at pagresponde sa posibleng panganib na maaring dalhin ng naturang bagyo.
Kaugnay nito, pinapayuhan din ang lahat na maging alerto at sumunod lamang sa direktibang ipinatutupad ng mga otoridad.
Samantala, pinag-iingat din ang lahat lalo na ang mga residente na mapanganib sa mga pagbaha, flashflood at pagguho ng lupa.