NAGA CITY – Deklarado nang drug free municipality ang bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Adrian Lirag, Police Community Officer ng Lagonoy Municipal Police Station, sinabi nito na isa sa gusto nilang mangyari ang maideklarang drug cleared ang kanilang bayan.
Labis naman ang naging kasiyahan ng opisyal matapos na tuluyan nang maideklara na drug cleared ang kanilang bayan noon Mayo 28, 2024.
Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawa nilang mga hakbang upang mapanatili ang pagiging drug free ng munisipalidad.
Samantala, nilinaw naman ng opisyal na hindi ibig sabihin nang pagigin drug free ay magagarantiyahan na nito na wala nang mangyayaring iligal na operasyon sa lugar.
Ito’y dahil hindi naman umano nila kontrolado ang isip ng mga tao, kung kaya mas papalakasin ng mga ito ang kanilang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot maging ang pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan at sa komunidad.
Sa ngayon, panawagan na lamang ni Lirag sa publiko na agad na ipagbigay alam sa kanilang opisina kung mayroon silang mga impormasyon hinggil sa mga iligal na aktibidad na nangyayari sa kanilang mga lokalidad.