NAGA CITY- Nakapagtala ng walong kaso ng sakit na dengue ang bayan ng Pili, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga Naga kay Pili Mayor Tom Bongalonta Jr, sinabi nito na bago pa man ang pag-ulan nagsagawa na sila ng mga kampanya upang magin handa ang lahat ng sektor sa kanilang lugar sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, ang barangay at paaralan ay kanilang binibigyan ng gamot at iba pang kagamitan upang maprotektahan ang mga ito sa lamok na carrier ng dengue.
Ayon pa sa alkalde, ngayon na mayroong nairehistrong dengue cases sa kanilang lugar, patuloy ang panawagan nito sa mga residentes na panatilihin ang kalinisan ng kanilang bahay at mga bakuran.
Ang pinakamatibay umanong panlaban sa sakit na dengue ang kalinisan.
Sa ngayon, tiniyak naman ng opisyal na nagpapatuloy ang kanilang mga programa upang mailayo sa peligro ang kanilang mga residentes