NAGA CITY- Balik operasyon na ang Bicol Central Station matapos ang pagdaan ng Bagyong Pepito. Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng nasabing terminal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Nonoy Reforsado, Bicol Central Station, Operational Manager, sinabi nito na dakong alas 7 ng umaga kanina, nagpalabas aniya sila ng information na bukas na ang terminal at balik na sa normal ang operasyon.
Ang ipinalabas na adisory ay upang matulungan ang lahat ng mga bus companies at operators na magabayan sa kanilang magiging desisiyon na makapag biyahe na.
Kasabay din nito ang pag padala ng mga mensahe sa mga operators sa Lokal at byaheng Manila na kung saan marami naman aniya ang sumagot na kanila na ipapaabot sa lahat ng mga kasamahan lalo na ang route na Naga-Legazpi at Naga-Rinconada.
Dagdag pa ng opisyal, sa huling monitor kanina, hindi pa magawang pag pasyahan ang mga routes na ipinagbabawal ng mga ahensya sa National tulad ng Office of the Civil Defense at LTFRB, ito ang mga byaheng papuntang island provinces sa Bicol Region.
Sinabi din ni Reforsado na ang tinatawag na inter at intra province routes ay passable na.
Hindi naman aniya gaanong naramdaman ang rough ng bagyong Pepito di tulad ng nakaraang bagyong Kristine na labis na naapektuhan ang naturang central station at nalubog sa baha ang ilan sa mga buses.
Dahil na rin sa hindi gaanong malakas ang pag ulan at hanging dala ng bagyong Pepito kahapon kaya naging senyales ito upang kaagad na magbukas ang operasyon sa Bicol Central Station.
Maaalalang unang pagkakataong pinasok ng tubig baha ang nasabing terminal dahil sa bagyong Kristine.
Yun din aniya ang nagsilbing aral sa kanila dahil ang mga sumunod na bagyo tulad ng Pepito ay talagang nakapaghanda sila.
Kaninang umaga ay inasahan din aniya ang pagdagsa ng maraming pasaherong uuwi sa kanikanilang lugar tulad na lamang ng mga pasaherong galing pa ng Maynila.
Samantala, labis naman ang pagpapasalamat ni Reforsado dahil hindi deriktang tinamaan ng Bagyong Pepito ang Naga City at nangako na tutulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa bahagi ng Catanduanes.