NAGA CITY- Handa na umanong tanggapin ng mga Local Government Unit sa Bicol ang mga OFW na gusto nang umuwi sa kanilang probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Anthony Nuyda, Regional Director ng DILG-Bicol, sinabi nito na ang importante ay dapat kumpleto ang mga ito sa mga documento na kinakailangan sa kanilang pagbyahe.
Dapat rin naman umanong nakipag-ugnayan na sakanila ang LGU ng lugar na kanilang pupuntahan upang maihanda narin ng mga ito ang mga health protocols na dapat ipapatupad.
Habang nakadepende naman umano sa lokal na gobyerno kung isasailalim pa ang mga ito sa quarantine.
Samantala, epektibo narin ngayon ang napagkasunduang resolusyon ng Bicol Inter Agency Task Force na Resolution No. 07 o Prohibition Against Unauthorized Checkpoints.
Kung saan nakapalaman sa nasambitan ng resolusyon na na ang PNP/AFP lamang ang dapat na magsagawa ng checkpoint sa iba’t ibang lugar.