NAGA CITY- Tiniyak ngayon ng Bicol Medical Center (BMC) na handa na ang kanilang mga tao at pasilidad sakaling may makapasok na kaso ng novel coronavirus sa Camarines Sur.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni Dr. Jose Manuel ‘Joey’ Rañola III, Infectious Disease Specialist kan Bicol Medical Center, sinabi nitong sakaling may mag-qualify sa persons under investigation agad itong dadalhin sa hinandang isolation ward.
Ayon kay Rañola, hindi na kinakailangang ipasok pa sa mismong gusali ng BMC ang naturang biktima para hindi aniya magdala ng pangamba at alarma sa mga pasyente sa oob ng ospital.
Aniya, ipinasailalim na rin nila sa pagsasanay ang mga medical personnel lalo na ang hahawak sa naturang mga kaso.
Wala rin aniyang dapat na ipag-alala ang mga medical personnel dahil bibigyan sila ng mga necessary equipment para hindi sila mahawaan.
Sa kabilang dako, nanawagan naman si Rañola sa publiko na huwag nang makipag-agawan sa mga face mask dahil ang mga nangangailangan lamang gaya ng may sipon at ubo ang dapat na magsuot nito dahil ang proper hygiene naman aniya ang mas kinakailangang gawin ng mga walang sakit.