NAGA CITY- Maituturing umano bilang isa sa mga strongest economist sa buong Pilipinas ang Bicol Region.
Pahayag ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Danilo Pamonag sa isinagawang Integrated Sustainable Assistance Recovery Program (ISARAP) ng ahensiya sa Provincial Capitol Convention Center sa Camarines Sur.
Ayon kay Pamonag, sa nakalipas na taon bago sumipa ang COVID-19 pandemic, apat na beses nag-top sa economic growth ang rehiyon.
Aniya, taong 2013, 2015, 2017 at 2019 nang kinilala ang Bicol bilang isa sa may fastest economic growth sa buong bansa.
Layunin ng pagbabahagi nito ni Pamonag na mapabatid sa bawat Bikolano ang malaking potensiyal ng rehiyon.
Ngunit upang maipagpatuloy ito, kailangang mapalakas ang pagsusumikap na mabawasan ang kahirapan gayundin ang pagtaas sa kalidad ng buhay ng mga Bikolano.
Samantala, binigyang diin ni Pamonag ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa upang maibalk ang sigla ng Ka-Bicolan bago sumipa ang pandemya.