NAGA CITY- Nakatakdang magkaroon ng Simultaneous Prayer sa buong Bicol Region mamayang hapon kasabay ng nararanasang krisis dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ang naturang sabayang pagdarasal na may temang “United in Prayer, United in Mutual Help under the Mantle of our Ina (Blessed Mother)” ang binuo ng mga obispo sa Bicol sa pangunguna ni Archbishop Rolando Tria Tirona ng Archdioces of Caceres kasabay ng kapistahan ng Divine Mercy Sunday.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fr. Louie Occiano, Director kan Ceceres Commission Communication, sinabi nitong sabay-sabay na magpapatubog ng kampana ang mga simbahan pagsapit ng alas 6:00 ng hapon bilang hudyat ng pagsisimula ng sabayang pagdarasal.
Nanawagan naman ito sa mga Bicolano na magsindi ng kandila sa kanilang mga bahay at sabay sabay na bigkasin ang panalangin.
Nabatid na pangungunahan ang nasabing aktibidad ng Bicol Region ngunit inaasahang sasabayan ito ng iba’t ibang Archdioces mula sa iba’t ibang bansa.