NAGA CITY- Hindi pa rin aniya lubos makapaniwala ang isa sa mga bikolana na pasok sa Top 10 ng kakatapos pa lamang na September 2021 Licensure Examination for Teachers, Elementary Level.
Mababatid, nakuha ni April Joy Espinosa Tamayo ng Ateneo de Naga University ang ika-9 na pwesto sa naturang eksaminasyon kung saan mayroon itong 90.20% average score.
Sa panayam ng BOmbo Radyo Naga kay Tamayo, ipinahayag nito ang kaniyang pasasalamat dahil sa nakuhang akomplisyemento.
Aniya, hindi nito akalin na makakasama sa Top 10 dahil sa mga mababang grado nito sa ibang subjects noong nag-aaral pa at wala rin aniya itong award kahit isa.
Kung tutuusin, dismayado pa nga umano ito matapos ang pagsusulit dahil hindi lumabas sa mga questionnaire ang kaniyang mga pinag-aralan bagao pa man ang araw ng eksaminasyon.
Samantala, naniniwala si Tamayo na nakuha nito ang tagumpay dahil sa kaniyang pag-focus sa pag-aaral kung saan inalis pa nito ang lahat niyang social media account.
Maliban pa dito, naglaan din umano ito ng dalawang oras sa isang araw para mag-review kasabay din ng pagdasal.
Sa kabila nito, hinati naman aniya sa apat na batches ang eksaminasyon kung saen nasa mahigit 8,000 examinees ang kaniyang kasabay at nasa 4,000 o katumbas ng 50% ang mga nakapasa sa buong bansa.
Sa ngayon, labis naman ang pasasalamat nito sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kaniya.
Ipinaabot din ni Tamayo ang kaniyang pagbati sa lahat ng nakapasa sa naturang Licensure Examination for Teachers, Elementary Level.