NAGA CITY- Muling isinailalim sa medical examinasyon ang bikolanang OFW sa Lebanon na naging kritikal ang kondisyon dahil sa Beirut Blast.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Violeta Begata Dacara, ina ng OFW, sinabi nito na sa araw ng Sabado ay nakatakda na umanong isa ilalim sa operasyon si Sarah Jane Dacara.

Ayon dito nag tamo ng mga bubog sa katawan at ulo si Sarah Jane mula sa nabasag na salamin dahil sa lakas ng pagsabog.

Habang ayon naman umano sa doctor nito mas mnakakabuting manatili muna itong tulog upang hindi nito maramdaman ang labis na sakit dulot ng natamong mga sugat.