NAGA CITY- Maswerteng nanalo ngayon ang isang Bicolano matapos makuha ang jackpot prize sa Lotto 6/42.

Sa ipinalabas na anunsiyo ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO), ang mga ticket na nanalo ng tumataginting na P101,321,872.40 ay mula sa Iriga City, Camarines Sur, Davao City, at Davao del Sur.

Ayon sa impormasyon, isinagawa ang draw noong Sabado, Mayo 8, 2021 kung saan nakuha ng mga ito ang winning combination na 15-36-03-24-06-08.

Sa ngayon, kagaya ng mga dating kondisyon, bibigyan ng isang taon na pagkakataon ang nasabing mga winner upang tanggapin ang kanilang napanalunan.