NAGA CITY- Tahasang sinabi ng isang abogado mula sa Bicol na naghahanap lamang si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ng dahilan para malusutan ang kapalpakan ng gobyerno.

Ito’y may kaugnayan sa naging depensa ni Panelo sa umano’y pag-refer nito sa Bureau of Pardons and Parole (BPP) sa sulat ng anak ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na humihiling na magawaran ng executive clemency ang kanyang ama.

Sa panayam ng Bombo radyo kay Atty. Ricky Tomotorgo ng Ateneo De Naga University, sinabi nitong naniniwala siyang mayroong conflict of interest sa parte ni Panelo dahil sa pagiging dating abogado ni Sanchez.

Bagama’t matagal na aniyang panahon ang nakalipas ngunit hindi parin maiiwasan na pagdudahan ang kridibilidad ni Panelo pag dating sa nasabing usapin.

Samantala, iginiit naman ni Tomotorgo na nakakahiya na isang bikolano ang parte ng administrasyon na patuloy sa pagtatago ng katotohanan na dapat sana’y malaman ng publiko.