NAGA CITY- Naging emosyonal ang isang Bicolano nang maramdaman ang malakas na paglindol dulot ng malaking pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Sa report ni Bombo International Correspondent Fe Ramirez Señido, tubong Bato, Camarines Sur sinabi nitong 11 taon na siyang nananatili sa naturang lugar ngunit ngayon niya lamang umano naranasan ang naturang insidente.
Aniya, kahit malayo pa sa kanila ang mismong lugar kun saan nangyari ang pagsabog, ramdam nila ang epekto nito sa establisyemento kung saan sila nananatili.
Sa kabila nito, nagpapsalamat naman si Señido na hindi siya tumambay sa balkonahe ng ikaapat na eskalon dahil baka kung ano ang kaniyang naisip na gawin nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nanawagan naman ito sa kaniyang mga kapamilya sa Camarines Sur na huwag mag-alala dahil nasa maayos naman ang kanilang kalalagayan.