NAGA CITY – Nagpakitang gilas ang Pilipinas matapos manguna sa Top Lady Category ng Pattaya Open Chess Championship sa Thailand.

Kinilala ang chess player na si Cheyzer Crystal Mendoza mula sa Camarines Sur.

Tinalo ni Mendoza ang 63 chess players mula sa iba’t ibang bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mendoza, sinabi nitong maswerte siya matapos na makapasok sa nasabing kategorya sa kabila ng mahabang panahon na pagpapahinga sa nasabing laro.

Ayon kay Mendoza, narating umano niya ang nasabing kompetisyon sa tulong ng dating teammate sa Greece na si Judilyn Fronda na ipinakilala siya kay Coach James Enfiesto.

Naghahanap umano ang team Pilipinas ng babaeng player na physically impaired at nang nakaraang taon ng sumabak mismo siya sa qualifying tournament ng nasabing laro.

Sa ngayon puspusan ang paghahanda ni Mendoza para mga susunod pang laban lalo na sa seagames.Top