NAGA CITY- Matagumpay na naidaos ang Bike for Peace and Justice kasama ang mga ang personahes ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng pamahalaan sa Pili, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Louie Dela Peña, Chief of Provincial Community Affair and Development ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), sinabi nito na isa sa mga layunin ng nasabing aktibidad ay ang maipahayag ang kanilang pagkontra at pagkondina sa marahas na gawain CPP-NPA-NDF, kung saan pinatay aniya ang ilang kabataan habang nagbibisekleta sa Masbate.
Dagdag pa ng opisyal, ito rin ang paraan upang mapakita aniya nila na hada silang makiisa sa mga sibilyan at sa mga uniformed personnel para makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pamamaraan na hindi marahas.
Sinaysay pa ni Dela Peña na nagsimula ang ruta ng pagbisikleta sa Freedom Park sa nasabing bayan hanggang sa bayan ng Ocampo pabalik sa nasabing parke.
Gusto rin aniya nila na bigyang diin na ang nagbibisekleta ang natatanging mga sibilyan na gustong pasiglahin ang kanilang kalusugan.
Umaasa naman si Dela Peña na hindi na mauulit ang insidente ng pagkamatay ng mga kabataan dahil sa pagtatanim ng Improvised Explosive Device (IED) ng nasabing rebeldeng grupo.