NAGA CITY – Hindi pa rin lubos makapaniwala ang top notcher sa April 2023 Licensure Examnination for Criminologists mula sa Tinambac, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kenneth Dela Torre, graduate sa Naga College Foundation (NCF), sinabi nito na tanging ang pagpasa lamang sa naturang Licensure Examination ang kaniyang goal.

Kung kaya tila nahirapan umano itong i-absorb ang resulta ng board exam. Ngunit ibinahagi rin ni Dela Torre na hindi nagin madali ang kaniyang pinagdaanan lalo na pagdating sa pera noong ito ay nag-aaral pa lamang sa kolehiyo.

Nagkaroon rin naman umano ito ng study goal kung saan ay talagang inaabot ng ilang oras ang pag-aaral nito sa loob lamang ng isang araw. Ito’y upang masiguro na talagang maabot nito ang tagumpay, ang makapasa sa nasabing eksaminasyon.

Dahil dito, noong mag-eexam na, sinet ni Dela Torre sa kaniyang goal ang pag-aim ng mataas kasabay ng kaniyang pagsisikap.

Sa ngayon, pinasalamatan na lamang nito ang lahat ng naging bahagi ng kaniyang tagumpay.