NAGA CITY- Patay na ng matagpuanang isang binata sa nasusunog na kulungan ng baboy sa Barangay Butanyog, Mulanay, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Jomar Cadacio, 21-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ni Roberto Leona, 36-anyos, na nasusunog na ang pagmamay-ari nitong kulungan ng baboy kung kaya kaagad itong lumapit sa pinagmumulan ng sunog at dito na ito nakarinig ng tinig.
Kagaad naman itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay nito at mano-manong inapula ang nasusunog na kulungan.
Matapos maapula, dito na tumambad ang bangkay ng biktima na wala ng buhay habang nakakadena ang paa.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na may mental disorder at halos apat na taon na itong nakakadena sa loob ng kanilang bahay.
Subalit, nakatakas umano ang biktima kinagabihan bago mangyari ang insidente at ilang oras na itong pinaghahanap.
Pinaniniwalaan na ang mismong bitbit na lighter ng biktima ang ginamit nito sa pagsunog.
Posibleng sinubukang iligtas ng biktima ang biktima sa sunog ngunit hindi ito makaalis dahil nakasalabid dang kadena sa fish net na nandoon sa kulungan.
Kaugnay nito, naniniwala ang pamilya ng biktima na walang naging foul play sa insidente dahilan para isara na ang kaso.Top