NAGA CITY- Patay ang isang tricycle driver matapos magpatiwakal sa Barangay Alitao, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si John Paulo Mabuting, 21-anyos, residente ng Barangay Ipilan sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang na wala ng buhay ang biktima ng kaniyang ama na nakabitay sa ceiling ng inuupahan nitong bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing umuwi ang biktima nang madaling araw habang nasa impluwensiya ng alak bago gawin ang pagpapatiwakal.

Nabatid na bago ang insidente, nagkaroon rin ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at ang kasintahan nito.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa insidente.