NAGA CITY- Sugatan ang dalawang lalaki kasama ang isang security guard matapos pagsasaksain sa Naga City.
Kinilala ang mga biktima na sina Andrew Francis Enriquez, 22-anyos, at Reynaldo Nolasco, 27-anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, nabatid na habang palabas si Enriquez sa isang bar nang matamaan ng suspek na si Mark Christopher Rubio, 25-anyos, ang isa sa mga kasama ni Enriquez na si Jodel Christian Dojello.
Dahil dito, tinulak umano ni Dojello si Rubio at dito na nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng grupo ng biktima at ng suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing sa gita ng kaguluhan, sinaksak ng suspek si Enriquez dahilan upang magtamo ng saksak sa tiyan ang biktima.
Habang inaawat naman ni Nolasco ang mga ito, dito na rin ito sinaksak ni Rubio kung kaya nagtamo rin ito ng sugat sa kaniyang braso.
Kaagad naman na dinala sa pagamutan sina Enriquez at Nolasco habang matulin namang tumakas ang suspek papunta sa Barangay hall ng Dayangdang sa nasabing lugsod.
Sa kabila nito, naaresto rin naman si rubio ng mga tanod na naka-duty sa barangay sa nasabing barangay at nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Narekober sa suspek ang isang balisong na ginamit nito sa nasabing krimen at mahaharap ang suspek sa kasong frustrated Homicide, Physical Injury at paglabag sa COMELEC gun ban.
Ito na ang pangalawang insidente sa lungsog ng Naga na may kinalaman sa paglabag sa Comelec gun ban.