NAGA CITY- Bukod sa kinakaharap na coronavirus disease at African Swine Fever(ASF) sa Bicol Region nagkaroon narin umano ng pag-uusap ang
Department of Agriculture (DA-Bicol) para sa isasagawang precautionary measure sa isa pang sakit na nakapasok sa bansa na Birds Flu.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, spokeperson Department of Agriculture (DA-Bicol) sinabi nito na ito ay para sa pag hahanda
kung sakaling makapasok narin sa probinsya ang nasabing virus.
Ito ay dahil sa panahon ngayon marami matatagpuan sa bansa na migratory bird na posibleng carrier ng nasabing virus.
Ayon kay Bordado, bukod sa pag kakaroon ng check point para sa mga baboy dahil sa ASF at Covid-19 kasama narin umanong sinusuri ngayon ang
mga karneng manok na ipinapasok sa probinsya.
Dagdag pa nito marami na umanong nakolekta at na-idespose ang ahensya na mga process pork and chicken na walang kaukulang dokumento.
Sa ngayon ang iniiwasan umano ng ahensya ang posibleng pag pasok ng H5N6 avian influenza o isang uri ng Bird Flu na posibleng makaapekto sa mga tao.