NAGA CITY- Isinagawan ang pagtitipon sa Naga City General Hospital para sa Blessing at Turn-over Ceremony ng Out Patient Department Building.

Sa naging mensahe ni Dr. Sonny Rañola, Naga City Councilor, sinabi nito na ang nasabing aktibidad ay isang dedikasyon na maipatupad ang layunin na makapagbigay ng pasilidad at mabuting serbisyo sa kalusugan sa mga Nagueños.

Ibinahagi pa nito na ang nagiging dedikasyon ng mga nasa lokal na pamahalaan ng lungsod katuwang ang mga pribadong sektor ay magpapatuloy upang ma-enhanced pa ang pagbibigay ng serbisyo sa kalusugan.

Samantala, ang Outpatient Department Building ay bukas para sa mga nagpapacheck-up, consulation at mga mag-undergo ng eksaminasyon.

Layunin pa nito na mabawasan ang oras sa paghihintay ng mga gustong magpagamot at ma-accommodate ang lahat dahil marami umano ang mga medical professional dito.