NAGA CITY- Isinailalim na sa Blue Alert Status ang lalawigan ng Camarines Sur dahil sa banta na dala ng bagyong Bising.

Sa memorandum na inilabas ni Governor Migz Villafuerte, nakapalaman dito ang pansamantalang pagbabawal sa pangingisda ng mga sasakyang pandagat.

Habang inalerto naman ang lahat na mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), Incident Management Team (IMT), at ang Emergency Operations Team (EOT).

Kaugnay nito ang pagbaba ng kautusan na agad na magsagawa ng pre-emptive evacuation bukas, Abril 17 sa mga mamamayan na nasa lugar na kinokonsiderang nasa High Risk areas.

Samantala, nagpaalala naman ang gobernador na tiyakin na masunod pa rin ang mga health protocols laban sa Coronavirus Disease.