NAGA CITY- Aabot sa humigit-kumulang P100,000 ang natangay sa isang botika sa lungsod ng Naga nang looban ito ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na puwersahang sinira ng suspek ang bubong ng naturang botika.

Kaunay nito, nang makapasok na ang naturang suspek, dito na nito sinira ang lock ng safety vault kung saan nakapaloob ang naturang halaga ng pera.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa responsable sa insidente