Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang Brazilian couple ang nagpakasal taong 1940 ang opisyal na kinilala ng Guinness World Record para sa longest marriage for a living couple.

Kaugnay nito, si Manoel Angelim Dino, 105-anyos at Maria de Sousa Dino, 101-anyos, ay binigyan ng titulo nang Guinness World Records at ng LongeviQuest, isang website na kayang mag-track ng data patungkol sa mga centenarians at super-centenarians.

Ang nasabing webiste ang nag-verify na ang dalawa ay kasal sa loob ng nasa 84 na taon at 77 days kasabay sa selebrasyon ng Valentine’s Day.

Si Manoel at Maria ang nagkakilala noong 1936 at nagpakasal sa isang chapel sa Boa Ventura sa Ceará, Brazil, noong 1940.

Ang mga ito ay mayroong 13 na anak, 55 mga apo, 54 great-grandchildren at 12 great-great-grandchildren.

Maalala, ang dating may hawak sa titulong longest marriage ay nagtagal ng nasa 88 years at 349 days.

Ito ay ang mag-asawa na sina David Jacob Hiller at Sarah Davy Hiller na nagpakasal taong 1809 sa Canada.