NAGA CITY – Desidido umano na sampahan ng kaso ng Barangay Tanod ang nakainuman nito na nanaga sa kaniya sa Brgy. Dayangdang, Naga City.

Una nang kinilala ang biktima na si Jonas Michael Renta, 30-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), habang nag-iinuman umano ang biktima at ang suspek na kinilalang si Antonio Colasito Jr., 39-anyos kasama ang mga kaibigan nito ng ma-ungkat ang matagal nang hindi pagkakaintindihan ni Renta at ng naturang suspek.

Ayon pa sa opisyal, matapos ang mainit na diskusyon ng dalawa, umuwi muna umano sa kanilang bahay si Colasito ngunit pagbalik umano nito, dala na nito ang tabak at dito na nito pinagtataga ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng tatlong tama ng taga sa may mukha at noo si Renta na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Samantala, hindi na rin umano tumakas si Colasito at naabutan pa sa lugar kung saan din naaresto ng mga rumespondeng mga otoridad.

Sa ngunyan, nasa kustodiya na kan mga otoridad an suspek asin nahahampang sa kasong Frustrated Murder huli sa nasambitan ng insidente.